Spiritual Healing (Occult)

HANGO SA AKLAT NG KARUNUNGAN NG DIYOS NI MELENCIO SABINO


Narito pa ang mga ibang oracion na magagamit sa ibat ibang uri ng sakit at karamdaman,

na sinipi sa ibat ibang kasaysayan at aklat,na kalakip ang mga paliwanag kung paano

ang paggamit at kung saan nauukol gamitin ang nasabing mga oracion.


CRISTAC ORTAC AMININATAC


Itoy sasabihin sa loob o sa sarili, saka ibulong sa malinis na tubig na inumin,

bago ipainom sa may sakit. Ang tubig na matabang kapag nagbago at nag iba ang lasa,

sa halimbaway masaklap,mapait,maalat o matamis kaya para sa may sakit,

samakatuwid ay may ispiritu na hindi mabuti at nakapipinsala o namiminsala.


At upang mapatunayan minsan pa,ay kailangan subukan muli na painumin ng tubig,

At ganito naman ang ibubulong:

HOCMITAC AMINATAC HIPTAC


KUNG ANG UNA AT IKALAWANG PAGSUBOK AY NAGKAISA,ay maaring subukin hanggang 

maikatlo upang lalong makilala ang katotohanan. Sa ikatlong pagsubok ay ganito naman ang ibubulong;


AMPIC MIBEL GAYIM JESUS EXEMENERAU


Ganyan ang dapat gawin pagsubok minsan,makalawa,hanggang maikatlo

at sa ganyang paraan ay hindi namaaring makaila kung tunay na mayroon o walang karamdaman.


Kung gayon ay maaring sabihin sa masamang ispiritu na umalis at huwag ng babalik. At sa pagpapaalis ay ganito naman ang sasabihin:


IKAW NA KARUMALDUMAL NA ISPIRITU,AY LUMABAS KA SA MAY SAKIT,

IWAN MO SYA AT UMALIS KA NA.


At saka sabihin sa sarili ang sumusunod bago hipan sa bumbunan ang may sakit,


SUBTIHOY MIDAD INSALIDAD QUILIMIDAD


Kung minsan ay pinasasakit ang ulo, sinisira ang bait, inaalis ang pandinig, binubulag ang mga mata, Pinasasakit ang lalamunan, pinalalaki ang dila’ pinapagsusugat ang buong katawan, pinipilay at linulumpo upang huwag makalakad, pinapanghina ang katawan, inaalisan ng gana sa pagkain, at kung minsan naman ay pinalalakas ang pagkain ng may-sakit.

Iba’t iba naman ang tawag o pangalan ng mga paraan ng pagbibigay ng sakit ng masasamang 

espiritu sa tao. May tinatawag na BABA O SAKAY, KAPIT O SAPI, PALIPAD-HANGIN, PAKAIN at 

iba-iba pa.

Ang tinatawag na BABA o SAKAY, ay nakababa sa batok o sa balikat ng may-sakit ang masamang espiritu. Ang tinatawag na KAPIT o SAPI ay nakakapit o nakasapi ang masamang espiritu sa katawan ng may sakit. Ang tinatawag na PALIPAD-HANGIN ay sumasama sa hangin, at tumatapat sa may-sakit na hindi katulad ng BABA o SAKAY.

Kung minsan ay pinapapasok ang masamang hangin sa loob ng katawan, karaniwan ay sa tiyan, ng may sakit. Kung minsan ay napapakain o sumasama sa pagkain at iyan ang tinatawag na PAKAIN.

Kung minsan ay ang hanging ipinakakain lamang ng masamang ispritu ang laman ng tiyan.

Iyan ay mapapalabas agad sa pamamagitan ng pagpapasuka o pagpapadighay sa may sakit na paiinumin ng tubig na binulungan ng mag sumusunod na oracion.


CRISTAC ORTAC AMINATAC

HOCMITAC AMINATAC

DUYAAY MILUMIAT

HOCBE VIROMIA

UBARAM DACACNA

Comments

Popular posts from this blog

PODER NG SAN BENITO | St Benedict Medal's Prayer

PODER AT BAKOD NA GALING SA BIBLIYA

GENERAL ROUND DEVOTION (SIMPLIFIED VERSION) WITH TRANSLATION