ORASYON PAMPASUKO SA KAAWAY

Bago tayo tumalakay sa orasyon ipapaliwanag muna natin ang kahoy na sinukuan at baging na may krus. Ang baging na may krus na kadalasang nakikita sa online shop ay hindi po yan ang kahoy na sinukuan. Isa lamang yang ordinaryong baging at nagkataon lang na kay krus sa gitna at inakala na ng iba na isa itong uri ng sinukuan. 



Ano nga ba ang kahoy ng sinukuan? Ang kahoy na ito ay bihira lamang makita dahil mga elmento o diwata ang nagmamay-ari nito. Ito ay isang bertudes na puno na kung sino at ano man ang tataman ng anino nito ay hindi makakagalaw na parang isinuko mo na ang iyong buhay. Ang pagkuha ng bertud nito ay hindi basta basta. Gagamit ka ng pana o patalim na may lubid para lang makakuha kahit kaonting tipak lang ng balat o sanga nito. Dahil kahit sinong antingero ang mapapasailalim ng anino ng puno ay hindi na makakauwi ng buhay. 

Kaya mahirap paniwalaan na ang baging na may krus sa online ay isang sinukuan. Dahil napaka ordinaryo lang nito. Ang tanong ay kung may pakinabang ba ito? Syempre meron din naman. Pero bago tayo tumungo doon, atin munang ipaliwanag ang orasyon na PAMPASUKO ng kaaway. 

Ang orasyon na ito ay matatagpuan sa mga aklat ng Lihim na Karunungan. Yung mga hindi gawang online. Yung mga aklat na sulat kamay pa ng mga matatanda. 

SUKUAN LISOMIYA TALUBLE DE PATA

LAMTAN SANITAM KURIAM SUKO HUM

MITAM FEDERICTUM MARIA JESUS HUM 

SUSI:

A. O. U. 

Ang nagkalat na orasyon online ay hanggang sa salitang "SUKO HUM" lamang at ang ina akala nilang susi ay "MITAM FEDERICTUM MARIA JESUS HUM" pero mali po yan. Mula sa salitang "SUKUAN LISOMIYA" hanggang sa salitang "MITAM FEDERICTUM MARIA JESUS HUM" magkarugtong sila. Isang buo na orasyon. Iba ang tunay na susi ng orasyon na yan. Yung mga marurunong lang ang nakaka alam. Kung alam mo ang tunay na susi ay mapapagana mo ang orasyon na yan kahit wala kang kahoy na sinukuan o krus na baging. Pero dapat alam mo kung sino ang Deity na dapat debusyonan mo para mapasunod ang mga espiritung gabay ng orasyon. 

Mahirap paniwalaan ang mga orasyon pero totoong may bisa ito kung alam mo lang kung paano itrigger ang mga espiritung namamahala dito.

Pag ang orasyon naman ay ini ihip sa krus na baging na mabibili online ay maa-aring magkaroon ito ng angking kakayahan para magpasuko ng mga ELEMENTO. Pero dapat alam mo ang insaktong orasyon at ang tunay na susi. 

Diyan mo malalaman kung ang mga nagpapanggap na maestro dyan sa YouTube ay tunay o hindi. Dahil makikita mo sa mga orasyon na tangan nila na halatang galing sa mga nagkalat na PDF FILES ng LNK at inimprinta lang at benebenta sa Quiapo at iba pang mga self proclaimed maestro.

Comments

Popular posts from this blog

PODER NG SAN BENITO | St Benedict Medal's Prayer

PODER AT BAKOD NA GALING SA BIBLIYA

GENERAL ROUND DEVOTION (SIMPLIFIED VERSION) WITH TRANSLATION