ANG KASAYSAYAN NG PITONG ARKANGHELES
KASAYSAYAN NG 7 ARKANGHELES
SA GUSTO BUMILI NG MEDALYON MAY COD DITO. BUY - CLICK HERE
SA PASIMULA, ANG LAHAT NG NILALANG AY NAMUMUHAY NG PAYAPA SA PILING NG INFINITO DEUS.
SA LIWANAG AT BIYAYA NG KALUWALHATIAN AY WALA SILANG KAMATAYAN.
ANG ANAK NA BABAE NG DIYOS AY GUMAWA NG ISANG ITLOG, NA BUHAT DITO AY ANG NILALANG NA MAGIGING KASAMA DAPAT NIYA HABANG BUHAY BILANG ALIW AT LIGAYA.
ANG ITLOG NA ITO AY TINAWAG NA EGONOTHUM
ANG EGONOTHUM AY GINTO ANG KULAY,
NA NAGNININGNING.
SA SOBRANG NINGNING NITO, ANG TUMINGIN DITO NA MGA ANGHEL AY NAKIKITA ITO BILANG KULAY ITIM DAHIL SA SOBRANG LIWANAG.
“ORASYON”
MATAPOS NITO, AY HINALIKAN NG BABAENG ANAK NG DIYOS ANG ITLOG AT ITO AY HININGAHAN NG SALITANG:
“ORASYON”
AT ITO AY NABASAG.
ANG LUMABAS SA ITLOG NA ITO AY SI LUCIFER, NA SIYANG NAGING ALIW AT KASAMA NG BABAENG ANAK NG DIYOS.
SI LUCIFER AY BINIGYAN ISANG KATAWANG KERUBIN, ISANG KATAWANG SERAFIN, AT ISANG KATAWANG POTESTATES.
IPINAGKALOOB DIN SA KANYA ANG TANGING KAPANGYARIHANG MAKAPAMAHALA SA LAHAT NG NILALANG KAYAT TINAGURIAN SIYANG ILAW NG KALANGITAN.
SUBALIT NAGMALABIS SA MGA BIYAYANG IPINAGKALOOB NG DAKILANG LUMIKHA.
NILAKTAWAN NIYA ANG KAPANGYARIHAN NG INFINITO DEUS AT NANANANGAN SIYA SA SARILING KAPANGYARIHANG TAGLAY.
MASKI ANG MGA KONSEHO NG MGA DIYOS SA LANGIT AY NAKAGALIT NIYA DAHIL SA KATIGASAN NG KANYANG KATUWIRAN AT KANYANG PAGLAPASTANGAN SA MGA IBANG ANAK NG DIYOS SA LANGIT.
ANG KONSEHO NG MGA DIYOS
AY NAGPULONG AT SINABI:
SI LUCIFER, ANG ASAWA NG IYONG ANAK NA BABAE AY UMAABUSO.
MARAMI NA SIYANG MGA PAGLABAG NA GINAWA SA KONSEHO AT SA MGA MUNDO AT UNIBERSONG NALIKHA.
MAGANDA NA SIYA AY MAPARUSAHAN DAHIL SA KANYANG KALAPASTANGANAN.
NAKIUSAP ANG ANAK NA BABAE NG DIYOS, NA HUWAG SAKTAN SI LUCIFER, KUNDI ITABOY NA LAMANG PALAYO HANGGAT MAGBAGO.
PINAGBIGYAN ANG BABAENG ANAK NG DIYOS.
KAYA ANG PASYA NG KONSEHO AY ITABOY PANSAMANTALA SI LUCIFER SA KONSEHO, AT SA LABAS NG PARAISO.
ITINABOY SI SA LABAS NG PARAISO SA PAMAMAGITAN NG SALITANG:
“ORASYON”
SA SALITANG ITO AY NATULIG SIYA AT SUMULING SULING AT DI AGAD NAGKAMALAY.
NANG IMULAT ANG MATA AY NAKITA NIYA ANG ISANG LIWANAG NA HINDI MATITIGAN.
NASIRA ANG KANYANG KALOOBAN.
NANG SIYA AY TUMUNGO,
NAKITA NIYA ANG KADILIMAN.
SIMULA NOON, AY INILIHIM NA NG PANGINOON ANG MALIGAYANG PARAISO KAY LUCIFER, HANGGAT HINDI SIYA NAGBABAGO.
SI SAN MIGUEL ANG TAPAT SA DIYOS.
SIYA AY MULA SA ITLOG NA
TINATAWAG NA MUHTONOGE.
ITO NAMAN ANG ITLOG NA INALAGAAN NG LALAKING ANAK NG DIYOS, KASABAY NG PAGKAKAGAWA NG ITLOG NA EGONOTHUM.
AT ANG LALAKING ANAK NG DIYOS ANG NAGSANAY KAY SAN MIGUEL.
BINIGYAN SIYA NG ISANG KATAWAN SA PAGKA- ARKANGHEL, ISA SA PAGKA-POTESTATES, AT ISANG KATAWAN BILANG KERUBIN.
SIYA AY GINAWANG PRINCIPE NG KALANGITAN NANG NAKITA NG KONSEHO NA HINDI NAGBABAGONG UGALI SI LUCIFER.
NAINGGIT SI LUCIFER AT GUMAWA NG PAKIKIDIGMA LABAN SA DIYOS.
SI SAN MIGUEL ARCANGHEL
ANG KANYANG NAKALABAN.
BAGO LABANAN NI SAN MIGUEL SI LUCIFER, ANG KONSEHO NG MGA DIYOS AY NAGKALOOB NG BASBAS SA KANYA UPANG MAGKAROON NG HIGIT SIYANG KAPANGYARIHAN KAY LUCIFER.
AT ITO AY ANG BAHAGI NG BASBAS:
“ORASYON”
MATAPOS MATANGGAP ANG BASBAS NG KONSEHO NG MGA ANAK NG DIYOS SA LANGIT, AY NAKIPAGLABAN SI SAN MIGUEL, AT GINAMIT NIYA ANG KANYANG KATAWANG
PAGKA- ARKANGHEL.
SA KANYANG PAKIKIPAGLABAN,
AY WINIKA NI SAN MIGUEL:
“ORASYON”
NAPAKO AT HINDI MAKALAPIT SI LUCIFER.
PARA SIYA MAKAGALAW,
AY NANGUSAP SIYA NG:
“ORASYON”
NANG MAKITA NI SAN MIGUEL NA
NAKAGALAW AY NAGWIKA NG
“ORASYON”
NATULIG SI LUCIFER AT NANG MAHIMASMASAN,
AY NAGWIKA SIYA NG:
“ORASYON”
MUNTIK NANG TULIGIN SI SAN MIGUEL. NAGWIKA SA SAN MIGUEL:
“ORASYON”
NABUWAL SI LUCIFER AT HINDI MAKAIMIK.
MULING NANGUSAP SI SAN MIGUEL:
“ORASYON”
HINDI NAKAKILOS SI LUCIFER.
ANG KABAYO NI SAN MIGUEL, NA SI
SUMANTICA UMENDATOR HUM
AY LUMABAN DIN KAY LUCIFER.
SINABI NG KABAYO ANG SALITANG:
“ORASYON”
AT ISINIPA NG KABAYO ANG MGA SALITANG:
“ORASYON”
NATALO NI SAN MIGUEL SI LUCIFER, AT SA PUNTONG ITO AY BIGLANG NAGLAHO SI LUCIFER NANG SINABI ANG:
“ORASYON”
MULA NOON, SI SAN MIGUEL NA ANG NAGING PANG-ULO NG MGA ARKANGHELES, AT ANG PUMALIT SA POSISYON NI LUCIFER SA KONSEHO.
2
SI LUCIFER NAMAN AY
PUMUNTA SA KADILIMAN.
NAKAKITA SIYA NG MALINIS AT MALINAW NA TUBIG DOON SA PINUNTAHAN NIYA.
NAKITA NIYA ANG KANYANG
SARILI NA MAY DALAWA PANG KASAMA.
ANG SABI NIYA, SINO ANG 2 ITO NA NAKIKITA KO SA TUBIG?
MAY SUMAGOT NA TINIG:
KAMING DALAWA AY IKAW DIN.
NAGSALITA ANG DALAWANG NAKITA NIYA SA TUBIG NG GAN
ITO:
“ORASYON”
AT SI LUCIFER AT ANG DALAWA NIYANG
NAKITA AY NAG-ISANG KATAWAN.
SA PUNTONG ITO, LUMAKAS NG HIGIT SA 7 BESES ANG KAPANGYARIHAN NI LUCIFER.
GUMAWA SIYA NG MGA BAGAY-BAGAY SA DILIM AT ANUMANG GINAWA NG DIYOS SA LIWANAG, AY SINIKAP NIYANG
PANTAYAN SA DILIM.
AYAW NI LUCIFER NA HUMINGI NG TAWAD SA KONSEHO, AT AYAW DIN NIYA NA MAGBAGO.
HINDI LINGID SA INFINITO DEUS ANG NANGYAYARING ITO.
INAKALA NG INFINITO DEUS NA SI LUCIFER AY MAGBABAGO ALANG-ALANG SA KANYANG BABAENG ANAK, NGUNIT MASYADONG UMABUSO SI LUCIFER SA KANYANG KARUNUNGAN AT KAPANGYARIHANG TAGLAY.
NABULAGAN SIYA AT NAWALAN NA NG PAGMAMAHAL SA PUSO.
NAWALAN NA RIN SIYA NG PAGPAPAKUMBABA.
LAHAT NG KABUTIHAN SA KANYANG KALOOBAN AY NAMATAY BUNGA NG GALIT, POOT, AT PAGMAMATAAS.
2
SI LUCIFER AY NAGPUPUNDAR NG LAGIM SA KADILIMAN, AT MULA NG PAKIKIPAGLABAN NIYA KAY SAN MIGUEL, AY GUMAWA SIYA NG MGA PARAAN UPANG LUMAKAS ANG KANYANG PUWERSA AT MGA NASASAKUPAN.
DAHIL DITO, ANG KONSEHO NG MGA ANAK NG DIYOS AY ISINUGO MULI SI SAN MIGUEL UPANG LABANAN SI LUCIFER.
NANG PINUNTAHAN NI SAN MIGUEL ANG TERITORYO NI LUCIFER, GINAMIT NI LUCIFER ANG KAPANGYARIHAN NG DILIM AT ANG SABI:
“ORASYON”
SA SALITANG ITO, AY NAGDILIM LAHAT ANG BUONG PALIGID NI SAN MIGUEL.
NAPAGTANTO NI SAN MIGUEL NA HINDI NIYA KAKAYANIN NA MAG-ISA ANG PAKIKIPAGLABAN KAY LUCIFER, DAHIL MAS MALAKAS NA DI HAMAK SI LUCIFER KAYSA SA DATI.
BUMALIK MULI SI SAN MIGUEL SA KALANGITAN NOON AT ANG NAKIHARAP KAY LUCIFER ANG MGA IBANG KASAMA SA KONSEHO.
NASABI NI SAN MIGUEL SA INFINITO DEUS NA HIGIT NA LUMAKAS SI LUCIFER KAYSA SA DATI.
SINABI NG INFINITO DEUS, MIGUEL, KAYA MO BANG ISAKRIPISYO ANG IYONG SARILI UPANG SA IYONG KATAWAN AY MABUO ANG IYONG MGA KAPATID?
ANG SABI NI SAN MIGUEL: AKO AY GINAWA NINYO. GAWIN MO PO ANG IYONG NAIS SA AKIN.
SA PUNTONG ITO, AY WINASAK NG INFINITO DEUS SI SAN MIGUEL SA MGA SALITANG:
“ORASYON”
AT SI SAN MIGUEL AY NAWASAK
SA PITONG BAHAGI.
SINABI NG INFINITO DEUS:
“ORASYON”
SA PAGKASABI NA GANITO NG INFINITO DEUS, AY NAGING ITLOG ANG PITONG BAHAGI NI SAN MIGUEL NA MAY MGA SUMUSUNOD NA KULAY:
PULA, ORANGE, DILAW, LUNTIAN, ASUL, PUTI, AT UBE.
SINABI NG INFINITO DEUS SA KANYANG ANAK NA BABAE: ANG IYONG ASAWA AY MARAMI NANG KAGULUHANG NAGAGAWA SA AKING NASASAKUPAN. SANA AY MAUNAWAAN MO KUNG ANO ANG AKING GAGAWING MGA HAKBANG.
TUMULO ANG LUHA NG ANAK NA BABAE, AT ANG MGA ITO AY NAGING MGA SERAPHIM NA SINA:
“ORASYON”
ANG SABI NG ANAK NA BABAE NG DIYOS:
AMA, PATAWAD PO. HUWAG MO PO SIYANG PATAYIN. MAHAL KO PO SIYA. SANA PO BIGYAN MO PA SIYA NG PAGKKATAONG MAGBAGO.
ANG SABI NG INFINITO DEUS:
SISIRAIN KO ANG KANYANG KASAMAAN. AT SA GAGAWIN KONG MUNDO, IKAW AT SIYA AY MANANAOG UPANG MAMUHAY BILANG TAO, AT MAGPAPAKASAKIT.
SASAMAHAN MO SIYANG MAGSULIT, HANGGANG SA DUMATING ANG PANAHON NA SIYA AY LUMINIS, MATUTONG MAGPAKUMBABA, AT MAGPASAKOP SA AKIN.
ANG PITONG ITLOG AY INALAGAAN NG PITONG ESPIRITO NG DIYOS NA SINA:
“ORASYON”
HABANG HINDI PA LUMALABAS ANG MGA NASA ITLOG NA PINAALAGAAN SA MGA ESPIRITU NG DIYOS, AY ANG MGA KASAPI SA KONSEHO ANG NAKIDIGMA KAY LUCIFER.
ANG NUNO NG ARAW AT ANG NUNO NG BUWAN AY NAKIPAGLABAN KAY LUCIFER NG SABAY.
NAG-ORASYON SINA UPH MADAC AT ABO NATAC NG:
“ORASYON”
SA GANITONG AKTO AY NAGKAROON NG ARAW AT BUWAN SA KALANGITAN.
ANG BUWAN AT ARAW AY PINAGSAMA NINA UPH MADAC AT ABO NATAC BILANG ISA SA ORACIONG:
“ORASYON”
AT SAKA BINATO KAY LUCIFER.
ANG GINAWA NI LUCIFER AY NAGSALITA:
“ORASYON”
AT ANG LIWANAG NA IBINATO SA KANYA AY HINIGOP NG KADILIMAN.
SA PUNTONG YAON AY TUMAKAS SINA UPH MADAC AT ABO NATAC SAPAGKAT NAPAGTANTO NILA NA HIGIT ANG KAPANGYARIHAN NI LUCIFER KAYS SA KANILA.
ANG SUMUNOD NA LUMABAN AY SINA:
“ORASYON”
GINAMIT NILA ANG PORMASYON NG TALA O NG PENTAGRAM KAY LUCIFER AT TINIRA NILA NG PINAGKAISANG LIWANAG.
PINAHIGOP NI LUCIFER ANG KANILANG LIWANAG SA KANYANG DILIM, AT NABUWAG ANG PINAGKAISAHAN NG LIMA.
UMALIS ANG LIMA SAPAGKAT NAPAGTANTO NILA NA HINDI NILA KAKAYANIN ANG KAPANGYARIHAN NI LUCIFER.
ANG SUMUNOD NA LUMABAN KAY LUCIFER AY ANG ANIM NA ESPIRITUNG AYAW TUMANGGAP NG GAWAIN SA INFINITO DEUS.
NAPUWERSA SILANG LUMABAN SAPAGKAT NASASAKOP NA NG DILIM ANG KANILANG KINAROROONAN.
SILANG ANIM AY NAGPORMA NG TALA NG DIYOS, NA WALANG IBA KUNDI ANG SIMBULO NG HEXAGRAM, O ANG BITUIN NG ISRAEL.
“ORASYON”
AY NAGKAISA NG KANILANG LIWANAG SA TALA NG DIYOS SA PAMAMAGITAN NG MGA SALITANG:
“ORASYON”
SUBALIT PINAHIGOP NI LUCIFER ANG LIWANAG NA NATURAN SA DILIM UPANG MAGING KARAGDAGANG LAKAS PARA SA KANYA.
PINANGTAPAT NI LUCIFER ANG MGA SALITANG ITO SA ANIM:
“ORASYON”
AT NABUWAG ANG PINAGKAISANG KAPANGYARIHAN NG ANIM.
NAPAGTANTO NG ANIM NA WALA SILANG LABAN KAY LUCIFER KUNG KAYA SILA AY UMALIS NA LAMANG.
ANG TATLONG ESPIRITU NA LAMANG ANG NATIRA SA KONSEHO NG 24 NA KILALA
BILANG SINA
“ORASYON”
NA MAY MGA PANGALAN SA
KAPANGYARIHAN BILANG
“ORASYON”
SILANG TATLO AY NAGBASBAS SA 7 ITLOG AT ANG SABI:
SA AMING PANGALAN, IPINAGKAKALOOB NAMIN ANG AMING BASBAS SA MGA ESPIRITUNG ITO UPANG MAGKAROON NG SAPAT NA KAPANGYARIHANG MATALO SI LUCIFER.
“ORASYON”
ANG TATLONG POTENCIA AY MAGING ISA
“ORASYON”
AT SA AKTONG IYON AY LALONG NAG-ALAB ANG LIWANAG NG PITONG ITLOG
NA TILA MGA ARAW.
SA AKTONG ITO, LUMANGKAP ANG 7 SERAPHIM MULA SA LUHA NG ANAK NA BABAE NG DIYOS SA PITONG ITLOG, AT SILA AY LALONG NAGNINGAS NG HIGIT SA MGA ARAW.
ANG HULING NAGBASBAS SA PITONG ITLOG AY ANG PITONG ESPIRITU NG DIYOS AT ANG SABI:
TAGLAYIN NINYO ANG KAPANGYARIHAN NG AMING PANGALAN.
NABASAG ANG PITONG ITLOG AT ISA SA PITONG ESPIRITU AY SI SAN MIGUEL NA NABUHAY MULI.
BINASBASAN NG TATLO SI SAN MIGUEL NG BUKOD NA BASBAS AT ANG SABI:
TAGLAYIN MO ANG AMING KAPANGYARIHAN AT ANYO NG KAMATAYAN NA IYONG IPANGLALABAN KAY LUCIFER SA KAGIPITAN.
AT BUMANGGIT ANG TATLO NG KANILANG LIHIM NA PANGALAN SA KAMATAYAN NA:
“ORASYON”
AT ITONG 3 PANGALANG ITO AY NABUHAY AT PUMASOK KAY SAN MIGUEL.
BAGO LUMAKAD ANG 7 ARKANGHELES SA PAKIKIDIGMA, BINASBASAN SILA UPANG MALIGTAS SA KAPANGANIBAN AT MGA SIGNOS:
“ORASYON”
MICHAEL, GABRIEL, RAFAEL, URIEL,
SEATIEL, JUDIEL, BARAQUIEL.
NANG LULUSUBIN NA NG 7 ARKANGHELES ANG KAMPO NI LUCIFER, NANGUSAP ANG 7 NG GANITO:
“ORASYON”
NANG NARAMDAMAN NI LUCIFER NA SIYA AY TINUTUGIS NINA SAN MIGUEL AY NAGWIKA SIYA UPANG SILA AY MAHADLANGAN.
“ORASYON”
MULA SA PUSIKIT NA KADILIMAN AY LUMABAS ANG MALAKING APOY NA HUMARANG SA 7 ARKANGHELES.
NANG ITO AY MANGYARI, SINABI NG 7 ARKANGHELES ANG:
“ORASYON”
AT ANG 7 ARKANGHELES AY
PUMAILANGLANG SA KAITAASAN.
AKALA NI LUCIFER NA NANALO NA SIYA.
SA PUNTONG ITO, SI SAN MIGUEL AT ANG IBANG ARKANGHELES AY BUMANGGIT NG SABAY-SABAY:
“ORASYON”
AT SI SAN MIGUEL AT ANG ANIM NA ARKANGHELES AY NAG-ISANG KATAWAN.
SI SAN MIGUEL AY MULING BUMABA NG BIGLAAN SA HARAP NI LUCIFER NA MAY TANGAN NA SIBAT, NA NAKATURO ANG DULO SA KANYA.
WINIKA NI SAN MIGUEL ANG:
“ORASYON”
SA SALITANG ITO AY HINDI NA NAKAALIS SI LUCIFER AT NAKULONG NG BIGLAAN.
NABIGLA DIN SI LUCIFER AT NAPATIGIL, SAPAGKAT NAKITA NIYA SA KANYANG PANINGIN ANG TATLONG DIYOS AT HARI NG KAMATAYAN KUNG SAAN NAKATAYO
SI SAN MIGUEL.
UPANG HINDI MATULOY ANG PAGSIBAT,
WINIKA NI LUCIFER ANG:
“ORASYON”
NANG NARAMDAMAN NI SAN MIGUEL NA MAY KUMOKONTRA SA KANYANG PAGSIBAT,
WINIKA NIYA ANG:
“ORASYON”
AT NASIBAT NI SAN MIGUEL ARKANGHEL SI LUCIFER, NA TINAGASAN NG KAPANGYARIHAN AT NANGHINA.
NAGWIKA SI SAN MIGUEL NG GANITO:
“ORASYON”
AT BUKOD SA SIBAT NA NAKASAKSAK, INIUMANG NI SAN MIGUEL ARKANGHEL ANG KANYANG ESPADA SA LEEG NI LUCIFER.
SUMAGOT SI LUCIFER NG:
“ORASYON”
SAGOT NI SAN MIGUEL:
HANGGAT HINDI KA SUMUSUKO,
ANG MGA SANDATA KO AY
NAKASALANG LABAN SA IYO.
“ORASYON”
NAGALIT SI LUCIFER AT NAGSALITA:
“ORASYON”
SINO ANG NAG-UTOS SA IYO?
DAMIHI NUNG! MAGSABI KA?
SAGOT NI SAN MIGUEL:
ANG DIYOS NA ANG ATING
AMANG NASA KAITAASAN:
“ORASYON”
SA SALITANG ITO, AY HINDI NAKAIMIK SI LUCIFER AT HALOS NANGALISAG ANG KANYANG BUHOK.
NAGSIGAWAN ANG MGA NASA
SA KAITAASAN, KASAMA SINA UPH MADAC, ABO NATAC, AT IBA PA NILANG
MGA KASAMA NG:
“ORASYON”
AT LALONG NAGLIWANAG.
ITO AY DAHIL ANG PINAGSAMA-SAMA NILANG LIWANAG AY TUMAMA SA KINAROROONAN NINA SAN MIGUEL AT LUCIFER.
NASAKTAN NG LABIS SI LUCIFER SA LIWANAG AT ANG KANYANG BALAT AY NAPAPASO SA LIWANAG.
SINABI NI SAN MIGUEL ANG SALITANG ITO:
“ORASYON”
IPINALO NI SAN MIGUEL ANG KANYANG ESPADA SA ULO AT LEEG NI LUCIFER.
ITO AY NAGLIWANAG AT NAG-IWAN NG MARKA NG ANYONG TINIK NA TANIKALA AT PUMALIBOT SA LEEG AT ULO NI LUCIFER.
MATAPOS NITO, ISINUNOD NI SAN MIGUEL ANG PANGUNGUSAP NG INFINITO DEUS NA IPINAGKALOOB SA KANYA:
“ORASYON”
AT ITO ANG NAGING HUDYAT UPANG LUMABAS ANG MATATALIM NA ESPADANG KIDLAT SA KAITAASAN AT TUMAMA SA TAGILIRAN
NI LUCIFER.
NAHATI SI LUCIFER SA
TATLONG BAHAGI
AT NAABO.
NAMATAY SI LUCIFER, AT NAABO.
NAAWA DIN ANG INFINITO DEUS KAY LUCIFER AT SA KANYANG ANAK NA BABAE NA WALANG TIGIL SA PAG-IYAK AT SA MGA LUHA AY NALIKHA ANG IBA PANG MGA ANGHEL SA KALANGITAN.
NAPAGPASYAHAN NG INFINITO DEUS NA BUHAYIN MULI SI LUCIFER BILANG HIWA-HIWALAY NA BAHAGI AT TANGGALAN
NG ALA-ALA.
KUNG KAYAT BINUHAY NIYA MULI ANG TATLONG BAHAGI.
ANG UNANG BAHAGI AY KANYANG PINANGALANANG RAPOCAEL, NA KANYANG KINUHA AT NAGING UTUSAN NIYA SA PAGPAPATUPAD NG KANYANG SALOOBIN SA LUPA.
ANG IKALAWANG BAHAGI AY SI LUZBEL, NA SIYANG INILAGAY NIYA SA MGA BITUIN UPANG LALONG KUMINANG ANG MGA NINGNING NITO.
AT ANG IKATLONG BAHAGI AY SI BECCA, NA SIYANG INILAGAY NIYA SA MUNDO, UPANG MAGING DIYOS NG SANLIBUTAN, ALANG-ALANG NA LAMANG SA PAGMAMAHAL NG KANYANG ANAK NA BABAE.
BINURA NG INFINITO DEUS ANG ALA-ALA NG TATLONG BAHAGING ITO, UPANG HINDI NA MAULIT ANG KASAMAANG GINAWA NI LUCIFER.
MAY KAUNTING ABONG ITINIRA ANG INFINITO DEUS MULA SA TATLONG BAHAGI NI LUCIFER.
ANG ABONG ITO AY SIYANG GINAMIT SA PAGLIKHA NG TAO.
KUNG KAYAT ANG BABAENG ANAK NG DIYOS AY NAGMAMAHAL SA TAO BILANG ALAALA NG KANYANG MINAHAL.
3
UMIIYAK ANG ANAK NG DIYOS DAHIL HINDI NA NIYA MAKAKASAMA ANG MAHAL NIYA.
DAHIL SA PAGDADALAMHATI, AY NAANTIG ANG DAMDAMIN NG INFINITO DEUS AT SINABI:
IBABABA KITA SA UNIBERSONG NGAYON
AY SA KADILIMAN.
MAGKAKATAWANG-TAO SI RAPOCAEL, SI LUZBEL, AT SI BECCA.
ITO AY UPANG MATUTO ANG MGA BAHAGI NI LUCIFER NA MAGPAKUMBABA AT MAGBAGO.
HANAPIN MO SILANG TATLO AT IYONG IPAGSAMA SA IISANG KATAWAN.
KUNG MAGAGAWA MO ITO, AY PAPAYAGAN KO SIYA NA MAGKAROON NG PAGKAKATAON NA MAKAAKYAT MULI SA AKING KAHARIAN NG BUO, AT MULI MONG MAGING KASAMA.
BILANG KAPALIT, MAGPAPAKASAKIT KA SA MGA KASALANAN NG SANLIBUTAN AT TUTUBUSIN ANG KANILANG SALA, HANGGAT SA PANAHON NA MAPAGSAMA MO ANG TATLONG BAHAGI NIYA SA IISANG KATAWAN.
KUNG IYONG MAGAGAWA ITO, MAGING ANG MGA TAONG NILIKHA KO MULA SA KANYANG ALABOK AY BIBIGYAN KO NG PAGKAKATAONG MAKAAKYAT SA LANGIT AT MAPASAMA SA AKING PAGHAHARI.
NATUWA ANG ANAK NA BABAE NG DIYOS AT PUMAYAG SIYA SA NAIS NG KANYANG AMA.
Comments
Post a Comment